Bistek Tagalog Recipe
INGREDIENTS:
For Marinate:
750grams Beef Tenderloin
3 tablespoon soy sauce
2 tablespoon calamansi juice
1/2 teaspoon pepper
1/2 teaspoon garlic powder
For Cooking:
lots of onions (chopped at rings)
3 cloves garlic
1 tablespoon soy sauce
1 tablespoon calamansi juice
1 tablespoon sugar (optional)
1/2 cup water
cooking oil for searing
PROCEDURE:
1. Hiwain ang beef sa maninipis na hiwa. Saka i-pound ng meat tenderizer para mas mabilis itong lutuin at maging tender. Gawin ito sa lahat ng beef. Saka ito lagyan ng soy sauce, calamansi juice, pepper at garlic powder. Marinate for at least 1 hour.
2. After mamarinate, alisin ang beef sa marinade. Reserve the marinade. Magpainit ng mantika sa kawali. I-sear ang beef hanggang magbrown ito. Sa umpisa, magtutubig ito. alisin yung lumabas na sauce mula sa beef at isama sa nakaset aside na marinade para mas mabilis magbrown ang beef. Pag brown na ang beef, set aside.
3. Saka igisa ang garlic at 1/4 ng onions. After maigisa, ilagay na ang marinade at hayaang kumulo. Pag kumukulo na, maglagay ng tubig at timplahan ng soy sauce, sugar at paminta. Pag okay na, ilagay na ang na-sear na beef. Takpan at lutuin ng 2 to 3 minutes.
NOTE: Mabilis lang lutuin ang beef sirloin at tenderloin. Pero kung ibang part ng beef ang gagamitin, mas matagal ang cooking time at kailangang palambutin ang beef
4. After 3 minutes, ilagay na additional calamansi juice at onion rings.Takpan at lutuin for another 1 minute.
Sa pang-huli bago hanguin, naglalagay rin ako ng more onion rings para para malutong pa. Enjoy!
No comments:
Post a Comment