Thursday, December 11, 2025

BEEF BROCCOLI RECIPE




INGREDIENTS:
TO MARINATE:
1/2 kilo beef tenderloin
1 tablespoon soy sauce
1 tablespoon cooking oil
¼ teaspoon baking soda
½ teaspoon black pepper
1 tablespoon cornstarch

TO BLANCH:
1/2 kilo broccoli
1 tablespoon vinegar
water for blanching

For the Sauce
1 tablespoons oyster sauce
1 tablespoons soy sauce
1/2 tablespoon sugar
¼ teaspoon pepper
1 tablespoon cornstarch
½ cup water
1 tablespoon sesame oil

for sauteing
3 cloves garlic, minced
1 teaspoon ginger, minced
Oil for sauteing

PROCEDURE:
1. Para mas malambot ang beef natin, start by pounding the beef or i-tenderize gamit ang meat mallet. Saka hiwain into strips. Gawin ito lahat sa beef. ilagay sa isang bowl, then ilagay ang soy sauce, cooking oil, baking soda, black pepper at cornstarch. Mix well and marinate for 15 to 20 minutes.

2. then, blanch muna ang brocolli para hindi ma-overcook. Magpakulo ng tubig, lagyan ng vinegar. Ilagaya ang brocolli at pakuluin for 3 minutes. after 3 minutes, hanguin at ilagay sa malamig na tubig. Drain then set aside.

3. Para naman sa sauce, mix lang ang lahat ng sauce ingredients. Set aside.

4. Sa isang pan, magpainit ng kaunting mantika. Saka ilagay ang beef strips. Igisa hanggang sa magbago ng kulay. Lalabas din ang juice nito. Ituloy lang ang pagluluto hanggang sa maiga ang sauce. Pag medyo brown na ang beef at wala ng sauce, alisin muna sa pan.

5. Saka igisa ang garlic at ginger. Then, ilagay na ang sauce na namix kanina. Lutuin hanggang sa lumapot. Pag malapot na, ilagay na ang na-brown na beef at brocolli. Toss lang para ma-coat ng sauce. Lastly, sprinkle ng sesame seeds (optional.)

No comments:

Post a Comment